Arestado ang dalawang high value individual (HVI) na hinihinalang tulak ng droga na nakumpiskahan umano ng higit P850,000 na halaga ng high-grade marijuana.
Isinagawa ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) ng Olongapo City Police Office ang buy-bust operation noong madaling-araw ng February 10, 2026 sa Purok 6, Limbas Street, Barangay New Cabalan.
Ayon kay Rogelio Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3, nasabat mula sa mga suspek ang 490 gramo ng “kush” na nagkakahalaga ng P735,000.
Kabilang ang isang kilo ng hinihinalang marijuana na may halagang P120,000, at ang P3,000 buy-bust money.
Inilagay sa kustodiya ng pulisya ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na batas kontra iligal na droga.

