SENSITIBONG BALITA:
HOLDAPER SA ALIAGA, NASAKOTE NG MGA PULIS
Nagresulta sa pagkakaaresto ng isa umanong holdaper ang isinagawang Dragnet Operation sa pamamagitan ng Oplan Bakod and Inter-active Engagement Policing (IEP) ng kapulisan sa Barangay Macabucod, Aliaga, Nueva Ecija.
Kinilala ang suspek na isang bente sais anyos na lalaki na sakay ng black Euro motorcycle.
Base sa report ng Nueva Ecija Police, 5:45 ng hapon noong October 16, 2023 nang may mag-imporma sa Aliaga Police Station na hinoldap ng suspek ang isang tindera ng susu gamit ang patalim sa Barangay San Felipe Bata.
Kaagad namang rumesponde ang mga pulis kaya naakip ang holdaper.

