Naging sentro ng atensyon at ipinakita ang kakayanan ng humanoid robots sa Consumer Electronics Show sa Las Vegas ngayong taon.

HUMANOID ROBOTS SA RETAIL AT BODEGA

Ipinakilala si Galbot na dinisenyo para tumulong sa retail stores na kayang kumuha ng grocery at produkto mula sa istante.

Habang nag-oorder ang customer gamit ang iPad, awtomatikong kumikilos ang robot, kaya napapadali nito ang trabaho at bumibilis ang serbisyo.

Gayundin, ginagamit ang robots sa bodega at mga pabrika, kaya rin nilang magtrabaho sa botika ayon sa mga developer.

Dahil sa mga kakayanang ito ng robot, nababawasan ang pagod ng mga manggagawa at tumataas ang produksyon sa mga tindahan.

ROBOTS SA CASINO AT ENTABLADO

Kasunod nito, tampok ang robots na kayang mag-deal ng baraha, ipinakita sa Las Vegas theme na naglalaro ito ng blackjack.

Mahirap umanong turuan ang robots na humawak ng baraha, ngunit matagumpay nitong nagawa ang galaw at tamang pagbibigay ng cards.

Bukod pa doon, ayon pa rin sa kumpanya ipinapakita ang kakayahan ng AI sa pag-iisip at pagdedesisyon.

Itinampok naman ng ibang kumpanya ang robots na marunong sumayaw, kay mas nagmumukhang tao ang mga ipinakita sa eksibisyon.

HUMANOID ROBOTS SA CES UMAGAW NG ATENSYON SA LAS VEGAS
HUMANOID ROBOTS SA CES UMAGAW NG ATENSYON SA LAS VEGAS