CLLEX, BUBUKSAN NA!
ILANG MAY-ARI NG LUPA NA NADAANAN NG PROYEKTO UMAARAY DAHIL HINDI PA RIN BAYAD; ANG IBA, PUMANAW NA!

Sa kabila ng nalalapit na pagbubukas ng Central Luzon Link Expressway (CLLEX) Phase 1, na magdurugtong sa Tarlac City at Cabanatuan City ngayong July 2025, ilang may-ari ng lupa sa Nueva Ecija ang umaaray at umaasang matutugunan na ang matagal na nilang hinihintay—ang kabayaran ng kanilang mga lupa.