Halos P3 milyong halaga ng ilegal na droga at mahigit P158,000 na smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Police Regional Office 3.
Ayon kay PBGen Jess Mendez, isinagawa ang mga operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon.
Resulta umano ito ng intelligence-driven operations at tuloy-tuloy na enforcement activities ng Philippine National Police.
Narekober ang droga sa buy-bust operations at pagsisilbi ng search at arrest warrants.
Nakumpiska rin ang iba pang kontrabando sa police interventions sa buong rehiyon.
Ang pagkakasamsam ng smuggled na sigarilyo ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa illicit trade.
Ayon sa awtoridad, pinahihina ng illicit trade ang lehitimong negosyo at binabawasan ang kita sa buwis.
Alinsunod ang kampanya sa direktiba ni DILG Secretary Jonvic Remulla para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas.
Babala! Sensitibong Balita: ILEGAL NA DROGA, SMUGGLED NA SIGARILYO, NASAMSAM SA CENTRAL LUZON





