BABALA! SENSITIBONG BALITA:
ILIGAL NA SIGARILYO, NASABAT SA GAPAN CITY
Arestado ang dalawang lalaki dahil sa pagbibyahe ng mga sigarilyong walang papeles sa isinagawang OPLAN Sita ng mga awtoridad sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Roque Lungsod ng Gapan kahapon, July 17, 2025.
Hindi pinangalanan ang dalawa na may edad na 30 at 33, na kapwa residente ng Dagupan Street, Tondo, Manila.
Ayon kay PCOL Heryl “DAGUIT” L. Bruno, Provincial Director ng NEPPO, bandang 3:00 ng hapon, nang parahin ng mga pulis ang isang kulay gray Toyota Hi-Ace Commuter Van para sa routine check.
Nang lapitan umano nila ang sasakyan, ibinaba ng driver ang bintana kaya nakita ng mga awtoridad ang mga kahon ng sigarilyo sa loob ng sasakyan.
Napag-alaman sa inspeksyon na ito ay may kabuuang anim (6) na kahon ng RGD cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php 136,500.00.
Dahil nabigo silang magpresenta ng wastong dokumentasyon para sa mga item ay inaaresto sila ng mga pulis para sa paglabag sa RA 9211, o Tobacco Regulation Act of 2003.
Babala ni PCOL Bruno, sinumang magtangkang kumita sa pamamagitan ng smuggling o pamamahagi ng mga ilegal na sigarilyo sa Nueva Ecija ay mananagot sa batas.

