Tinutukan ng Police Regional Office 3 (PRO 3) ang kampanya laban sa Illegal mufflers sa Central Luzon
Dahil dito, winasak ang mahigit 3,000 ilegal at modified mufflers o tambutso.
Layunin nitong mabawasan ang noise pollution at panganib sa kalsada.
Kasabay nito, ini-ulat ang narekober na halos 4,000 loose firearms o mga baril na walang legal na papeles o walang lisensya.
Isinagawa ang mga operasyon sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon.
DATOS, INILAHAD SA JOINT MEETING NG RLECC 3 AT JABRACCC 3
Inilahad ang ulat sa joint meeting ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee 3 at Joint Anti-Illegal Drugs and Anti-Illegal Firearms Regional Coordinating Committee 3.
Ginanap ang pulong noong February 23 kung saan sinuri ang law enforcement operations.
Dito, ipinakita ang kabuuang bilang ng mufflers na winasak at baril na nakumpiska.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya.
MAS PINAIGTING NA OPERASYON PARA SA KAPAYAPAAN ILLEGAL MUFFLERS CENTRAL LUZON
Pinaigting ani PRO 3 Director Ponce Rogelio Peñones Jr., ang operasyon laban sa illegal firearms.
Dagdag pa niya, layunin nitong maiwasan ang krimen at kaguluhan sa komunidad.
Sa huli, tiniyak ng PRO 3 ang tuloy-tuloy na coordinated operations.
Sa gayon, inaasahang mapananatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko.

