BABALA! SENSITIBONG BALITA:

ILLEGAL NA DROGA, LIMANG TULAK, NASABAT NG NUEVA ECIJA POLICE

Nasabat ng mga pulis ang lima umanong tulak ng illegal na droga sa isinagawang Anti-illegal Drug Buy-bust Operations sa San Jose City, Science City of Muñoz, Palayan City, at Licab noong September 8, 2024.

Base sa report na isinumite kay PCOL FERDINAND D. GERMINO, Officer-in-Charge, NEPPO nagresulta ang mga operation sa pagkakaaresto ng lima na nakuhanan ng 1.52grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php10,336.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong Violation of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).