BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Patuloy ang paglulunsad ng operasyon ng kapulisan sa Central Luzon sa pamumuno ni Police Regional Director Jose Hidalgo Jr. laban sa mga nagmamay-ari ng illegal na baril sa pamamagitan ng pagpapatupad ng search warrants.
Kaya nitong nakaraang March 8, 2024 sa bisa ng Search Warrant No. 06-2024-OEJ na inisyu sa Guimba, Nueva Ecija nasamsam ng mga tauhan ng Cuyapo Police Station ang mga unregistered firearms and ammunition mula sa isang suspek sa Barangay Curva, Cuyapo, Nueva Ecija.
Kabilang umano sa mga nakumpiska ang one (1) caliber 45 pistol Norinco, one caliber 40 pistol Forjas Taurus, one caliber 9mm pistol Glock, one caliber 22 Rifle, six pistol magazines, four rifle magazines, isandaang bala ng pistol, at 64 pieces ng rifle ammunition.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong violation of Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

