Dahil sa lumalalang traffic at dami ng mga dumaraang sasakyan sa mga national hi-way patungo sa iba’t ibang lalawigan gaya ng Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela hanggang sa Aparri ay minabuti ni Governor Aurelio Umali na solusyunan ito.

Sa pamamagitan ng improvement at widening ng Talavera Bypass Road mas mapapagaan ang daloy ng trapiko lalo na ang mga dumaraan sa mismong bayan at papuntang palengke ng Talavera.

Ang bypass road na mula sa Brgy. La Torre, Brgy. Sampaloc, Brgy. Gulod hanggang palabas ng Calipahan sa National hi-way ang mag-uugnay sa Bayan ng Sto. Domingo, at mula naman sa Brgy. Gulod ang dudugting patungong Bayan ng Llanera para sa mas mabilis na byahe at maiwasan ang traffic papunta naman sa Baler, Aurora.

Ayon kina Project Engr. Perla Lauriano at Engr. Lauro Dator, ang nasabing improvement at widening ng Talavera Bypass Road ay may habang 5.4 kilometro at 7,393 LM.

Paliwanag ni Governor Umali, ipinagawa ng pamahalaang panlalawigan ang bypass road sa Talavera dahil hanggang ngayon hindi pa nagagamit ang CLLEX.