Nakapagtala ng bahagyang pagbaba ang inflation sa Central Luzon para sa mga pamilyang kabilang sa bottom 30 percent income households.
Ang inflation ay ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kapag ito ay bumababa, mas nagmumura ang mga bilihin kumpara sa mga nagdaang buwan.
Base sa press release ng Philippine Statistics Authority – Central Luzon, bumaba ito sa -0.5 percent noong January 2026.
Mas mababa ang rate na ito kumpara sa -0.4 percent noong December 2025 at 3.3 percent noong nakaraang January 2025.
Dahil dito, ang rehiyon ay isa na sa may pinakamababang inflation rate sa buong bansa nitong unang buwan ng taon.
Ang pangunahing dahilan sa pagbaba ng inflation sa Central Luzon ay ang mas murang presyo ng mga pagkain at inumin.
Bumagsak ang presyo ng mga gulay at tubers sa -3.1 percent mula sa dating 8.8 percent na pagtaas.
Bukod dito, bumagal din ang pagtaas ng presyo sa isda, seafood, prutas, gatas, itlog, at pati na rin ang karne.
Nakatulong din ang mas mababang gastusin sa transportasyon, alak, sigarilyo, at pati na rin ang serbisyo sa mga paaralan.
Gayunpaman, may ilang sektor na nakapagtala ng mas mataas na presyo kumpara sa mga nagdaang buwan.
Kabilang dito ang mga restaurant, accommodation services, recreation, sport, culture, at pati na ang personal care.
Tumaas din ang singil sa health services, furnishing, household equipment, clothing, footwear, at pati na rin ang communication services.
Nanatili namang walang pagbabago ang inflation rate para sa mga financial services sa loob ng buong buwan ng Enero.
Ang lalawigan ng Nueva Ecija ang may pinakamalaking ambag sa Central Luzon’s inflation para bottom 30 percent income households.
Nakapagtala ang probinsya ng 87.8 percent.
Sinundan ito ng mga lalawigan ng Zambales sa 29 percent at Tarlac na may 13.8 percent.

