INSURGENCY-FREE NA PILIPINAS, INAASAHAN SA TAONG 2028
Ibinahagi ni Secretary Carlito Galvez Jr. ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity na posibleng maging insurgency-free ang Pilipinas bago matapos ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa taong 2028.
Ayon kay Galvez, ang mga programa ng gobyerno ay nakakatulong upang matupad ang layuning ito.
Kaugnay nito, pinuri niya ang AFP at PNP sa kanilang pagsisikap na pahinain ang pwersa ng mga insurgents sa bansa.
Karamihan umano sa mga rehiyon ay nakatutok na sa kapayapaan at kaunlaran, kaya naman mula sa mahigit 80 guerrilla fronts, ang mga aktibo na lamang ay nasa Samar, Bicol, at Negros.
Aniya, ang komprehensibong mga hakbang militar at mga di-militar na estratehiya ang nag-udyok sa maraming rebelde na magbalik sa normal na pamumuhay.
Dagdag ni Galvez, ang Amnesty Program ng gobyerno ay nagbigay-daan sa mga dating rebelde na muling makamtan ang kanilang mga politikal at civil rights.

