BABALA! SENSITIBONG BALITA:
IPIS, GINAGAWANG PAGKAIN AT GAMOT SA CHINA
Kung karamihan sa mga Pilipino nandidiri at nasusuka kapag nakakita ng ipis, sa bansang China ito ay kanilang paboritong pagkain at inaalagaan pa.
Tama, kinakain nila ito dahil naniniwala ang mga Intsik na ang ipis ay may magandang benepisyo sa kalusugan ng tao. Kaya marami ang kumakain nito pati mga bata.
Kaya sa bansang China ay mayroong farm ng maraming ipis. Umaabot sa 6 billion na ipis ang kanilang inaalagaan sa loob ng isang taon. 4 beses ang dami ng ipis, kumpara sa populasyon ng tao sa China.
Ang pag-aalaga ng ipis ay naging negosyo na sa China. Tinatayang nasa mahigit 100 farm facility na ang nag-aalaga nito. Ang ipis ay may 4,500 species sa mundo 30 dito ay itinuturing na peste, isa sa mga ito ay ang American cockroach na siyang inaalagan at pinaparami ng mga Chinese cockroach farmer.
Ito ang pinakamalaki sa lahat ng pest species, meron itong kulay puti o yellow sa may batok.
Kahit pinaniniwalaang peste, ito ay itinuturing ng mga Chinese na isa sa mga pangunahing ingredients sa kanilang traditional na gamot.
Ayon sa pag-aaral mabisa daw itong panggamot sa sakit ng tiyan at problema sa respiratory, pwede rin itong gamot sa sakit sa lalamunan, tonsillitis, liver cirrhosis at maging sa sugat.
Ang kumpanyang Good Doctor Pharmaceutical group na siyang nagpapatakbo ng pinakamalaking farm ng ipis sa mundo ay isa sa gumagawa ng gamot na gawa sa ipis.
Inilalagay nila ang bilyon bilyong ipis sa madilim na silid at mayroon itong tablang kahoy na siya nilang tirahan.
Ang mga gamot na kanilang ginagawa ay sinusupply nila sa mga hospital at pharmacies sa China. Ginagamit din nila ito bilang ingredient sa paggawa ng cosmetics tulad ng facial mask at cream.
Binebenta rin nila ito bilang pagkain, kaya maraming mga Chinese restaurant ang nag offer ng ipis sa kanilang mga menu.
Ayon sa kanila sagana umano ang mga ipis sa protina.
Pero alam nyo ba na dito sa Pilipinas ay may nag-aalaga narin ng ipis para mapagkakitaan? Ito ay si Mr. Mark Larry Basa na isa naring ipis farmer. Nag-aalaga ito ng mga imported na ipis at kanyang ibenebenta bilang pagkain ng ibang alagang hayop gaya ng isda na umaabot ng 60K hanggang 120k bawat buwan.

