JEEP NA NAGLALAYAG SA GITNA NG DAGAT, IMBENSYON NG ISANG PINOY SA LEYTE
Nagpakitang gilas ang isang makabagong imbensyon ng isang mekaniko na isang stainless jeep na kayang maglayag sa karagatan ng Leyte, na ikinamangha naman ng mga netizens.
Itinampok ang naturang jeep ng content creator na si Sef TV, kung saan umani ng 11 million views ang kanyang video at inulan ng mga positibong komento patungkol sa nakamamanghang talento ng mga Pinoy.
Nanguna sa paggawa nito si Marlon Villanueva na isang mekaniko mula sa Masbate.
Ayon dito, tinanggal nila ang ilang piyesa ng lumang jeep kabilang ang transmission para palitan ng mga materyales na maaaring lumutang sa tubig.
Nilagyan din nila ang ilalim ng jeep ng pampalutang na karaniwang ginagamit sa mga pump boat.
Una umano nila itong sinubukan sa San Joaquin, Palo, Leyte bago inilayag sa mas malalim na tubig sa Isabel, Leyte na tagumpay na umusad sa dagat.
Ang talentong ito ng komunidad sa baybaying dagat ay makatutulong umano upang makagawa ng mga alternatibong transportasyon na upang tumawid sa mga isla.

