Posibleng hindi makapaglaro si Gilas Pilipinas stand-out June Mar Fajardo sa first window ng FIBA Asia Cup Qualifiers 2025 na magsisimula sa Pebrero 22.

Matapos siyang magtamo ng injury sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Magnolia Hotshots.

Sa kabila ng iniindang injury, naglaro pa rin si Fajardo sa Game 5 at Game 6 upang tulungan ang Beermen na makuha ang ika-29 kampeonato ng prangkisa sa liga.

Dahil dito, kailangan ni Fajardo na magpahinga upang hindi na lumala pa ang kanyang injury.

Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na posibleng sumama pa rin si Fajardo sa trip ngunit hindi ito makapaglalaro.

Unang makakasagupa ng Gilas ang Hong Kong sa Pebrero 22 sa larong idaraos sa Tsuen Wan sa Hong Kong kasunod ang Chinese-Taipei sa Pebrero 25 sa Maynila.

Dalawa na ang nasa injury list ng Gilas Pilipinas dahil injured din si AJ Edu.

Wala pang plano ang Gilas Pilipinas kung kukuha ng kapalit ni Fajardo.

Samantala, magiging kapalit ni Edu si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, pagkaraang maoperahan sa tuhod si Edu noong December ng ma injury habang naglalaro sa Toyama Grouses sa Japan B.League.

Tatlong buwan ang binigay na timetable sa pagbabalik ng 6-foot-10 center, kaya sa April na siya posibleng makabalik.

Wala pang sagot ang Samahang Basketbol ng Pilipinas kung sino ang posibleng ipalit kay Edu.

Kasama rin sa nasabing roster sina Justin Brownlee, Scottie Thompson at Jamie Malonzo ng Ginebra, Newsome, Calvin Oftana, Kevin Quiambao, CJ Perez, gayundin sina Japan B.League cagers Kai Sotto, Carl Tamayo, Dwight Ramos, at CJ Perez.