Tumanggap ng P300,000 na tulong-pangkabuhayan ang Diamanen Farmers Association mula sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan Program.
Binubuo ang asosasyon ng 15 miyembro na pawang magsasaka mula sa Dipaculao, Aurora.
Layunin ng tulong na mapalakas ang kanilang kabuhayan at matulungan ang komunidad na umunlad.
Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office, daraan ang mga benepisyaryo sa seminars sa financial literacy at basic business management upang masiguro ang sustainability ng proyekto.
May itinalagang social worker upang mag-monitor ng proyekto at nakipag-ugnayan din sa Municipal Agriculture Office para sa skills training at technical supervision.
Gagamitin ang P300K na pondo sa broiler chicken raising bilang dagdag na pagkakakitaan ng mga miyembro.
Inaasahang magbibigay ito ng dagdag kita sa kanilang mga pamilya at makakatulong din sa lokal na ekonomiya ng probinsya ng Aurora.

