Status ni Kai Sotto sa Team Gilas
Binigyan na ng Koshigaya Alphas ng go-signal si Kai Sotto para sumali sa Gilas Pilipinas at lumaban sa FIBA qualifiers.
Ayon sa report ng Inquirer, hindi totoo na hinaharang ng Japan B.League team ang paglalaro ng 7-foot-3 center.
Ang East West management ni Kai Sotto umano ang tila nag-aalangan na pasalihin ang bata sa koponan.
Kai Sotto, May Tsansang Makakuha ng Kontrata sa NBA
Nais umano nilang i-preserba si Kai dahil may tsansa itong makakuha ng short-term NBA contract sa mga susunod na araw.
Dahil dito, nagkaroon ng kalituhan kung bakit tila hindi pa sigurado ang presensya ng player para sa pambansang koponan.
Team Gilas Pilipinas, Handa Na
Samantala, kumpirmadong maglalaro si Quentin Millora-Brown para sa Gilas.
Bagama’t may hininging dagdag na kondisyon ang kanyang management, mas nanaig ang kagustuhan ng manlalaro na magsilbi sa Pilipinas.
Tuwang-tuwa naman si Dwight Ramos dahil magkakaroon ng sapat na laki ang Gilas laban sa New Zealand at Australia.
Dagdag pa niya, maganda ang takbo ng kanilang ensayo at handa silang lumaban sa harap ng mga Pinoy fans.
Kaya naman, inaasahang magpapakitang-gilas ang pool nina Justin Brownlee at June Mar Fajardo sa darating na mga laban ngayon Pebrero at Marso.

