KAKAIBANG BUS, PWEDE SA LUPA AT PWEDE RIN SA TUBIG

Dahil sa matinding pagbaha ngayon lalo na sa Metro Manila maraming mga sasakyan at bus ang lumulubog sa baha at stranded sa kalsada. Kaya kapag naka kotse ka o bus siguradong lubog ka pag inabutan ng baha.

Pero sa ibang bansa gaya ng Germany ay may naimbento silang bus na kahit sa dagat ay pwedeng gamitin. ito ang amphibious bus na tinatawag nilang Hafencity Riverbus na kayang magsakay ng 36 na pasahero at 3 crew members.

Meron itong mga upuan gaya ng ordinaryong bus na kapag tumatakbo sa mga kalsada ay para lamang itong ordinaryong bus na pinatatakbo sa pamamagitan ng standard internal combustion engine.

Pero kapag inilusong na ito sa tubig ay para narin itong isang barko na mayroong propellers sa pamamagitan ng water propulsion system.

Kahit gaano kalalim ang tubig wala itong dapat na ikabahala dahil kaya nitong tumakbo at makipagsabayan sa mga barko na hindi lumuluboG

Sa bansang Japan naman ay ginagamit nila ang kanilang floating bus para sa mga turista para ma experienced ang bus na nasa dagat at maging sa mga kabundukan. Isa sa kanilang main attraction ay ang ganda ng Mount Fuji na hanggang 40 pasahero ang kayang isakay.

At sa bansang Netherlands naman ay mayroon din silang Splash Tours para sa mga turista na mag-iikot sa Rotterdam para ma experienced ang pagsakay sa amphibious bus na para kang nasa amusement park.