Dahil sa patuloy na dumaraming estudyante sa Sta. Rosa Integrated School ay problema ang kakulangan sa classroom para sa mga gustong mag-aral doon.
Para sa kapakanan ng mga mag-aaral ay humiling ang mga guro sa Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon sila ng dagdag silid aralan.
Kaagad naman itong tinugunan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at ng Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Doc Anthony Umali.
Pinagkalooban sila ng dalawang bagong classroom na kumpleto ng kagamitan, gaya ng mga ceiling fan, bagong blackboard, maayos at malinis na comfort rooms.
Ang nasabing classroom ay naka design para sa mga estudyanteng PWDs lalo na sa mga naka wheelchair para maging komportable sila sa kanilang pagpasok sa araw-araw at ang pinakamaganda rito ay may sarili silang CR para sa may kapansanan.
Payo ni Project Engineer Diosdado Canaveral sa mga bata na ingatan ang kanilang bagong silid-aralan at mag-aral ng mabuti nang maabot nila ang kanilang pangarap.

