BABALA! SENSITIBONG BALITA:
KANDIDATONG KONSEHAL SA BAYAN NG SAN ISIDRO, TINAKOT? BAHAY, PINAULANAN NG BALA!
Pulitika ang pangunahing nakikita ng kandidatong konsehal ng bayan ng San Isidro na sanhi kung bakit pinagbabaril ang kanyang bahay sa Novo Oil Gas Station, sa Barangay Poblacion San Isidro, Nueva Ecija
Sa Facebook account ni Nap Ocampo, isinalaysay nito na naganap ang insidente bandang 10:45 ng gabi noong February 24, 2025.
Kung pananakot aniya ang dahilan ng pagpapaputok sa kanilang tahanan ay mariin niya itong kinokondena at nananawagan na huwag gumamit ng karahasan upang walang mga inosenteng madamay gaya ng kanyang pamilya, sapagkat wala naman siyang sinasabing masama patungkol sa kanyang mga kalaban sa pulitika.
Si Ocampo ay dati nang naglingkod bilang Konsehal ng bayan mula taong 2001 hanggang 2010, naging Municipal Administrator ng San Isidro mula 2011 hanggang 2022, at ngayon ay kumakandidato muling konsehal sa ilalim ng Partido Unang Sigaw ng Pagbabago kasama sina former Mayor Cesario ‘Dong’ Lopez Jr. at Robinson Francisco bilang Vice Mayor.

