KATITING NA SENTIMO NA TAPYAS PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IPINATUPAD
May bahagyang rollback o katiting na sentimong tinapyas sa presyo ng produktong petrolyo na ipinatupad alas-6:00 ng umaga nitong February 11, 2025.
Sa inilabas na fuel price adjustment ng iba’t ibang kumpanya ng langis, ipinatupad ang 0.10 sentimong bawas presyo sa kada litro ng gasolina.
0.10 sentimo rin ang ibinaba kada litro ng diesel habang P0.30 naman sa kada litro ng kerosene.
Iba-iba naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Caltex, Syquio at Shell, dito sa lungsod ng Cabanatuan.
Sa Caltex, ang presyo ng diesel ay P58.70; P49.90 naman sa Syquio at P59.70 naman sa Shell.
Habang, ang presyo naman ng gasolina sa Caltex ay P61.84 (silver)/P63.85 (platinum); P55.20 (XTRA ULG)/P56.00 (premium) sa Siquio at P63.08 (fuel save)/ P71.34 (V-Power) naman sa Shell gas station.
Dismayado naman ang mga motorista at tsuper dahil sa kakarampot na rollback sa mga produktong petrolyo dahil halos hindi naman umano nila maramdaman ang sinasabing bawas sa mga produktong petrolyo.

