KATITING NA TAPYAS SA PRESYO NG PETROLYO, IPINATUPAD
Ipinatupad ng mga kompanya ng langis ang oil price rollback kahapon ng umaga.
Ang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod umano ng banta ni US President Donald Trump na taasan ang taripa ng mga produkto mula sa Mexico, Canada at iba pang mga bansa na maaaring magdulot nang pagbagal ng ekonomiya sa buong mundo.
Isa pang dahilan ay ang paghupa ng tensyon sa Middle East sanhi ng peace talks.
Sa pagtaya ng oil industry, P0.80 ang bawas sa presyo ng bawat litro ng gasolina.
Habang sa kerosene ay may tapyas na P0.50, at nasa P0.20 naman ang bawas sa kada litro ng diesel.

