Ngayong buwan ng women’s month ay ibinahagi ng First Women General ng Cuyapo, Nueva Ecija na si Brigadier General Nilda Labiano Nesperos ng Armed Forces of the Philippines ang kanyang kwento sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.

Sa kasalukuyan, ay hindi pa rin aniya siya makapaniwala na siya’y naging isang general, ngunit dahil sa tiwala niya Sa Panginoon ay nakarating siya sa kanyang posisyon.

Samantala, bago umano siya naging general ay natupad muna niya ang kanyang pangarap na maging isang nurse.

Ayon kay BGEN Nesperos, noong siya’y nurse pa lamang ay mayroon siyang inalagaan na kalaunan ay tinanong siya kung gusto niyang maging military nurse.

Dagdag pa niya, noong siya’y sumubok sa pagiging military nurse ay suportado siya ng kanyang mga magulang.

Ngunit, noong siya ay parte na ng AFP ay nakaranas siya ng mga hirap.

Tulad ng kapag malayo siya sa pamilya ay walang gumagabay sa kanya.

Nakatulong umano ang kanyang pananampalataya Sa Diyos kaya naman nalagpasan niya ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan sa pagiging sundalo.