KWELANG ENTRANCE: Masayang selebrasyon ng pag-ibig ang nasaksihan sa pag-iisang dibdib nina Kim Molina at Jerald Napoles, matapos ang higit dekadang relasyon.
Ginanap ang kasal noong March 1 sa tabing-dagat ng Panglao, Bohol, kung saan nasilayan ang romantikong sunset bilang saksi.
Kabilang sa mga ninong at ninang ay sina Vicente Del Rosario Jr., Aga Muhlach, Kim Atienza, at Ai-Ai delas Alas.
MGA DETALYE NG KWELANG ENTRANCE SA RECEPTION
Hindi lamang kilig kundi tawanan din ang hatid ng kasal ng bagong mag-asawa lalo na sa engrandeng reception nila.
Sa unang tawag ng hosts, nagulat ang mga bisita nang si Alden ang unang lumabas na kapareha ni Kim doon.
Sinundan ito ng isa pang eksena kung saan muling nag-entrance si Kim kasama naman ang aktor na si Gerald Anderson.
Sa ikatlong pagkakataon, mas lalong napaaliw ang mga bisita nang lumitaw naman si Jerald kasama si Kim Atienza sa entablado.
VIRAL SA SOCIAL MEDIA ANG KWELANG ENTRANCE
Naging usap-usapan online ang nasabing entrance matapos ibahagi ng ilang panauhin sa Facebook kabilang sina Katrina Velarde at Christoffer Martin.
Maging si Kim ay nag-post sa Facebook na umabot na ng 25 million views, 1.3 million reactions, at 39k shares.
Unang nagkakilala sina Kim at Jerald noong 2014 sa musical na Rak of Aegis, noong 2019 nila kinumpirmang sila na.
Noong Agosto 2024, nag-propose si Jerald sa parehong entablado kung saan nagsimula ang kanilang makulay at masayang kuwento ng pag-ibig.

