unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle
  • Entertainment
  • Science and Technology
  • More
    • Arts
    • Business
    • Culture
    • Fashion
    • Health

Kinse pesos na pamasahe sa tricycle sa Cabanatuan City, saan aabot?

Posted by philpiccio | Aug 6, 2022 | 0

Kinse pesos na pamasahe sa tricycle sa Cabanatuan City, saan aabot?

Laking pasasalamat ng administrasyon ng Manuel V. Gallego Colleges sa Cabanatuan City dahil sa pagpayag ng Tricycle Operators and Drivers Association na kinse pesos lang bawat isang estudyante ang kanilang singilin sa pamasahe mula sa nasabing eskwelahan papuntang N.E Pacific Mall at Crossing vice versa.

Ayon kay Maricris Malamug, Student Affairs Director ng MV Gallego, dalawampong taon nang namamasada at nagseserbisyo sa mga mag-aaral, kaguruan, at empleyado ng kanilang paaralan ang nasabing TODA.

Paliwanag ni TODA President Julian Aberin, may kikitain pa rin naman sila sa singil na kinse pesos kada isang estudyante, basta isang byahe ay tatlo ang kanilang sakay na papatak sa P45.00 ang kabuuang bayad sa pamasahe.

Tinatayang nasa bente pesos lang ang magiging konsumo sa gasolina na nasa P60.00 na ang presyo kada litro ng isang tricycle na Bajaj ang motor galing ng MV Gallego patungong Pacific at Crossing Cabanatuan na tinatayang nasa mahigit kumulang anim na kilometro.

Malaking katipiran naman ito para sa mga pasahero dahil simula nang magtaas ang halaga ng mga produktong petrolyo ay sumunod nang tumaas ang pamasahe sa mga pampublikong transportasyon kung saan sa Cabanatuan City ay uso na nangongontrata ang mga tricycle drivers bawat byahe at kada pasahero ay naglalaro na sa P25.00- P30.00 isang sakay, at P60.00 ang kontrata bawat byahe.

Pangako naman ng MV Gallego Colleges TODA na hangga’t may pasok at dumaranas pa ng kahirapan ang taumbayan sanhi ng pandemyang COVID-19 ay mananatili ang mababang singil nila sa pamasahe.

Share:

PreviousPagkapit sa Panginoon, naging sandigan sa oras ng pagpanaw ng anak ni Sister Jane
NextMahigit Php92-M, handog ni Senator Loren Legarda para sa farm-to-market road sa N.E.

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PHO, NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA FOOD POISONING NGAYONG TAG-INIT

PHO, NAGBABALA SA PUBLIKO LABAN SA FOOD POISONING NGAYONG TAG-INIT

April 15, 2015

P1.5 Bilyon Annual Budget ng Cabanatuan City, inaprubahan kahit may mga kulang na dokumento

P1.5 Bilyon Annual Budget ng Cabanatuan City, inaprubahan kahit may mga kulang na dokumento

December 22, 2017

Paglipat ng New Bilibid Prison sa Nueva Ecija, tuloy na tuloy na

Paglipat ng New Bilibid Prison sa Nueva Ecija, tuloy na tuloy na

July 23, 2014

POSIBLENG DAHILAN, SENYALES NG PAGKAKAROON NG KANSER SA BIBIG, TATALAKAYIN SA ORAL HEALTH: ORAMISMO

POSIBLENG DAHILAN, SENYALES NG PAGKAKAROON NG KANSER SA BIBIG, TATALAKAYIN SA ORAL HEALTH: ORAMISMO

March 31, 2023

Leave a reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .