BABALA! SENSITIBONG BALITA:
Arestado ang 45 years old na kontratista na binantaan umano ang buhay ng isang kwarentay nueve anyos na driver matapos magkainitan sa kalsada sa Barangay Bakal II, Talavera noong February 18, 2024.
Base sa report na isinumite kay Nueva Ecija Provincial Police Director Richard Caballero, dakong 2:50 ng gabi nang rumesponde ang Talavera Police sa nasabing lugar.
Pauwi na umano ang biktima sa kanyang bahay sa Barangay Bakal III mula sa trabaho sakay ng kanyang Suzuki X4 motorized trike (Kolong-kolong), nang muntik nang mabangga ang Honda TMX 125 tricycle ng suspek.
Sanhi nito ay nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa na nauwi sa mainitang pagtatalo, hanggang sa bumunot ng maikling baril ang suspek at binantaan ang buhay ng biktima.
Ayon sa mga pulis ay tinangkang tumakas nang suspek ngunit nahuli nila ito at nakuhanan ng Cal .38 revolver na may limang bala.
Kakaharapin nito ang mga kasong Grave Threat and Violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

