BABALA! SENSITIBONG BALITA:
KOREAN NATIONAL, INARESTO NG NBI SA PAMAPANGA DAHIL SA MEDICAL MALPRACTICE
Arestado ang isang Korean national dahil sa medical malpractice o gumagampan bilang doctor ng walang lisensiya sa Pampanga.
Sa press release ng National Bureau of Investigation (NBI) kinilala ang suspek na si John Suk (aka John Seuk o Suk Sang Hong), na dinakip nitong Martes August 14 sa isang klinika sa loob ng Clark Freeport Zone.
Inilunsad umano ng mga awtoridad ang operasyon kasunod ng mga intelligence reports na nagsasaad na si Suk ay nanggagamot ngunit hindi nakarehistro sa Professional Regulation Commission (PRC).
Inaresto ng NBI-Tarlac District Office (NBI-TARDO) ang suspek sa pamamagitan ng isang undercover na pasyente na nagtungo sa kanyang klinika upang makatanggap ng gabay sa mga problema sa kalusugan na may kinalaman sa balat.
Sinabi ng NBI na nakarekober din sila ng ilang gamot mula sa klinika, kabilang ang mga bakuna, antibiotic, at iba pang medical supplies, na ang ilan ay napag-alamang hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).
Si Suk ay nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Section 8 at 10 ng Medical Act of 1959 sa ilalim ng Republic Act 2382 na inamyenda ng RA 4224 at Section 11 (a) ng FDA ACT of 2009 sa ilalim ng RA 9711.
Dinala umano siya sa NBI-TARDO para sa booking at pagkatapos ay iniharap para sa inquest proceedings.\

