Bumaba umano ang krimen sa Central Luzon noong Nobyembre 2025.
Ayon sa Police Regional Office 3 (PRO3), bunsod ito ng pinaigting na law-enforcement operations at proactive policing na alinsunod sa PNP Focused Agenda at sa 3Ps ng PRO3.
Mula 3,576 na kaso noong Oktubre, bumaba sa 3,366 kaso o katumbas na 5.87 percent ang kabuuang krimen sa Central Luzon noong Nobyembre,
Nabawasan rin ang Eight (Focus Crimes na Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Carnapping (Motor Vehicle), and Carnapping (Motorcycle).
Mula 1,522 kaso bumaba ito sa 1,460 kaso, katumbas ng 4.07 percent ang nabawas.
Bukod dito, naaresto ng PRO3 ang lahat ng Top 10 Most Wanted Persons sa Regional Level noong Nobyembre sa loob lamang ng apat na araw.

