BABALA! SENSITIBONG BALITA:
KRIMEN SA NUEVA ECIJA, BUMABA; ELEKSYON, NAGING MAPAYAPA AT MAAYOS
Nabawasan umano ng 41 incidents ang 8 focus crime na Murder, Homicide, Rape, Physical Injury, Robbery, Theft, Carnapping, and Motornapping sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Base sa pinakahuling comparative data ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nakapagtala ng 210 na insidente mula January to May 2025 kumpara sa 251 reported cases noong nakaraang taong 2024.
Napigilan umano ang paggawa ng krimen sa pamamagitan ng maagap na pagbabantay ng mga pulis at mga mamamayan sa mga komunidad, at mga estratehikong interbensyon ng kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Ferdinand D. Germino, Provincial Director.
Samantala, nagpasalamat si PD Germino sa mga pulis na na-deployed dito sa lalawigan na nakatulong aniya sa mapayapa at maayos na 2025 National and Local Elections kung saan walang naitalang major incidents and casualties.

