Kinikilala bilang unang dokumentadong serial killer sa Pilipinas si Juan Severino Mallari na isang Filipinong paring Katoliko . Siya ay ipinanganak noong 1785 at naging kura paroko sa bayan ng Magalang, Pampanga sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

Naniniwala umano si Mallari na ang pagpatay sa mga tao ay makapagpapagaling sa kanyang ina mula sa sinasabing kulam o sumpa.

Karaniwan niyang ginagamit ang kutsilyo sa pagpatay sa kanyang mga biktima na pinagkakatiwalaan siya dahil siya ay pari. Marami sa kanila ay nagpapakita sa kanya para sa kumpisal, binyag, o kasal.

Iniuugnay ang mga pagpatay sa pagitan ng mga taong 1816 at 1826 habang siya ay nasa tungkulin bilang pari sa Magalang.

Matagal na nanatiling misteryo ang mga nawawala at bangkay na natatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bayan ng Magalang. Walang koneksyon ang mga ito noong una kaya hindi agad natukoy ang salarin.
Noong 1826, nagkasakit si Mallari at habang inaalagaan siya ng kapwa pari, natuklasan ang mga dugo sa damit nito at mga personal na gamit na pagmamay-ari ng mga nawawalang tao sa kanyang tahanan. Ito ang nagbunyag ng kanyang pagkakasangkot sa serye ng mga krimen.

Pagkatapos madakip, umamin si Mallari sa mga pagpatay at ibinahagi ang kanyang motibo sa mga awtoridad. Siya ay pinakulong ng 14 na taon.


Noong 1840, pinatay siya sa pamamagitan ng bitay sa Maynila, at siya rin ang unang paring Pilipino na binaril na pinatay ng pamahalaang kolonyal ng Espanya, ilang dekada bago ang pagbitay kina Gomburza noong 1872.

Maraming historyador at psychiatrist ang naniniwala na malamang ay nagkaroon si Mallari ng malalang sakit sa pag-iisip na psychosis na isang kondisyon na hindi gaanong nauunawaan o natutugunan noon sa Pilipinas.

Ang kabuuang pangalan at detalye ng kanyang 57 biktima ay hindi na naitalang mabuti sa mga dokumento, na naglalarawan sa sistemikong pagkitil sa buhay ng mga katutubo noong panahon ng kolonisasyon.