Isang lalaki na nag ngangalang Anur na isang monghe, mula sa isang maliit na nayon sa timog India, ang 40 taon nang nagtatanim ng palay hindi sa bukid, kundi sa kanyang ulo.
Kung titignan pa lang ang kanyang hitsura, isa siyang napakasimple at ordinaryong matandang Indian. Ngunit kung titingnan mo ang tuktok ng kanyang ulo makikita mo na ang lalaking ito ay may isang -kakaibang anyo, dahil may nakatanim na palay sa kanyang ulo.
Ayon sa kanya, umabot na sa 108 ang ani niyang palay. Pero sa mga taong nakakakita sa kanya, ay walang alinlangan na siguradong hindi normal ang taong ito, ay may malubhang problema sa pag-iisip.
Ngunit ayon sa kanya, sa mahigit 40 taon na niyang pagtatanim ng palay, siyempre, maraming mga paghihirap at problema sa proseso. Halimbawa, hindi na siya nakakaligo sa nakalipas na 40 taon. Kaya madalas na iniiwasan na siya ng mga tao dahil sa kanyang amoy. Hindi rin siya pwedeng matulog ng nakahiga dahil masisira ang kanyang tanim na palay sa ulo, kaya nakasanayan na niyang natutulog ng nakaupo.
Si Anur ay nagsimulang magtanim ng palay sa kanyang ulo dahil umano sa kanyang paniniwala bilang Ascetic. Ito ay isang uri ng lakas at paniniwala sa Diyos.
Ang mga tanim na palay na ito ay masusi umanong inaalagaan. At tuwing umaga kapag nararamdaman na niya na tuyo na ang buhok sa tuktok ng ulo ay maingat na binubuhusan ng tubig ang bawat punla ng palay.
Bukod dito, ang ilang mga pataba na kapaki-pakinabang sa kanilang paglaki ay regular na ilalagay sa mga punla sa itaas ng ulo. Marami naring gustong bumili sa kanyang tanim na palay pero ayon sa kanya, hindi niya ipinagbibili ang mga ito.

