LALAKI, ITINANGHAL NA PINAKAPANGIT NA TAO SA MUNDO; SUBALIT MARAMING ASAWA
Si Godfrey Baguma, isang 50 taong gulang na lalaki na naninirahan sa Kyazanga Town Council sa Lwengo, Uganda ay itinuturing na pinakapangit na tao sa buong mundo.
Sa kabila ng kanyang kapangitan si Godfrey ay maraming naging asawa.
Ipinanganak si Godfrey noong Mayo 16, 1973.
Maagang pakikibaka ang kanyang naranasan nang iwan siya ng kanyang ina noong bata pa siya dahil para sa kanyang ina, hindi isang normal na bata Godfrey, dahil sa ito ay sobrang pangit.
Lumaki siya sa piling ng kanyang lola na nagbibigay ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanya.
Hindi madali ang naging kabataan ni Godfrey, tiniis niya ang walang humpay na pangungutya at pambu-bully sa kanyang hitsura naka apekto sa kanyang pag-aaral.
Akala ng mga kababayan ni Godfrey ay wala nang pag-asa na siya makapag asawa at makapag pamilya dahil sa kanyang hitsura.
Nagbago ang lahat ng matagpuan nito ang babaeng kanyang minahal at umibig sa kanya.
Ngunit ang inaakala nitong matamis at maligayang pagmamahalan ay naging mapait at masakit matapos nitong mahuli na ang kanyang minahal na asawa ay nag taksil sa kanya.
Noong 2013, pinakasalan ni Godfrey, sa edad na 40, ang kanyang pangalawang asawa, si Kate Namanda, matapos harapin ang nakakabagbag-damdaming pagtatapos ng kanyang unang kasal. Ang kanyang katatagan at positibong pananaw sa buhay ang nagbunsod sa kanya upang muling makahanap ng pag-ibig, at ang kanilang pagsasama ay umunlad sa pagdating ng anim na anak.
Noong 2002, sumali ito sa paligsahan bilang pinaka pangit na tao sa buong mundo, at hindi naman ito nabigo, nakakuha si Godfrey ng pandaigdigang pagkilala sa pamamagitan ng pagkapanalo sa titulong World’s Ugliest Man sa buong mundo.
Ang parangal na ito, na ipinagkaloob sa kanya ng Guinness World Records, ang simula ng pagbabago sa kanyang buhay.
Sa kabila ng kanyang katangian, meron paring babae na nagkagusto kay Godfrey.
Kaya muli siyang nagpakasal sa kanyang ikatlong asawa dahil sa kanilang lugar ay pinapayagan ang maraming asawa.
Muli ngang nakabihag ng isang babae ang pinaka pangit na lalaki sa buong mundo
Sa ngayon, si Godfrey Baguma ay isang sikat na celebrity, kumakanta ng African pop music at nakakuha ng milyun-milyong views sa YouTube.
Ang kanyang kwento ay nagsisilbing inspirasyon, na nagtuturo sa atin na ang tunay na kagandahan ay nakasalalay sa pagtanggap sa sarili at katatagan. Sa pamamagitan ng pagmamahal, determinasyon, at pagtanggap sa pagiging katangi-tangi ng isang tao.
Ang kakaibang hitsura ni Godfrey ay resulta ng isang klinikal na kondisyon na tinatawag na Fibrodysplasia Ossificans Progressiva (FOP), isang bihirang sakit na nagiging sanhi ng pagbuo ng buto sa labas ng balangkas, na humahantong sa mga deformidad at paghihigpit sa paggalaw.
Bagama’t walang kabuuang lunas, maaaring pamahalaan ng mga doktor ang kondisyon sa pamamagitan ng gamot.

