Sa tindi ng init ng panahon ngayon ay talaga namang kanya-kanyang paraan ang mga Pilipino kung paanong iingatan at poprotektahan ang katawan lalo na ang balat.
Kaya naman nabigyan umano ng tips ang mga netizen habang ang iba ay relate na relate naman kung paanong iiwas sa matinding sikat ng araw dahil sa viral video ng isang lalaki.
Makikita kasi sa video ang mala-spiderman na the moves ng isang lalaki na idinikit ng mabuti ang kanyang katawan sa pader at naglakad ng patagilid upang kumasya ito sa anino ng pader upang hindi mainitan ng matinding sikat ng araw.
Ang lalaki sa video ay ang nag-upload din sa kanyang tiktok account na si Luis Andrew Tesorero mula sa Pasay City.
Sinabi ni Luis sa isang panayam sa kanya na kumain sila ng tanghalian ng kanyang kaibigan noong panahong iyon at ng pabalik na mula sa kanilang on-the-job training ay naisipan nilang magvideo.
Katuwaan lamang naman aniya nila ito at hindi niya akalain na magba-viral ang kanyang video dahil maraming mga netizen ang natawa at nakarelate sa kanya na gawain din daw ang pagkasyahin ang sarili sa kaunting lilim huwag lang maexpose sa direct sunlight.
May ilang netizen ang nagsabing bakit daw ngayon lang nila ito nalaman, kaya komento nila, “maybe sa next life kasi uling nako” at “late ako na inform sunog ako”.
Marami naman ang nagsabing sayang daw kasi ang kojic kung hahayaan lang mabilad sa init ng sikat ng araw.
Umabot na sa 1.4 million views, mahigit 250K reactions at mahigit 14K shares ang video sa tiktok.

