BABALA! SENSITIBONG BALITA:

LALAKI, NAHULI NG KAPIT-BAHAY NA KINUKUHANAN SIYA NG VIDEO HABANG NALILIGO SA BAYAN NG GUIMBA

Nahaharap sa kasong Violation of RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) ang isang lalaki dahil kinuhanan umano niya ng video ang kanyang kapit-bahay habang naliligo.

Ang biktima ay isang trentay otso anyos na babae, habang ang suspek ay kinilalang si alyas TABA, kapwa residente ng Barangay Sta. Veronica, Guimba, Nueva Ecija.

Base sa report ng PIO-NEPPO, November 13, 2024 napansin ng biktima ang isang kamay sa taas ng banyo na may hawak na cellphone nang aabutin na niya ang shampoo.

Dahil dito ay sumigaw ang biktima at kaagad binalot ng tuwalya ang hubad na katawan.

Nang rumesponde ang mga awtoridad ay positibo nitong itinuro ang suspek na sekretong nag-video sa kanya na nasa katabing banyo na kanyang pinagliguan.