BABALA! SENSITIBONG BALITA:
LALAKI, NAKIPAG-BIRUAN SA LAMAY SA BAYAN NG PANTABANGAN; NAMBATO NG BUTONG PAKWAN, PINAGSASAKSAK!
Nahaharap sa kasong Frustrated Homicide ang isang 37-anyos na lalaki matapos niyang pagsasaksakin sa ulo ang isang 30-anyos na magsasaka na nagtamo ng malubhang sugat.
Base sa ulat na isinumite kay PCOL FERDINAND D GERMINO, Provincial Director, NEPPO, dakong 5:00 ng umaga noong June 15, 2025 naganap ang insidente ng pananaksak sa Barangay Marikit, Pantabangan na humantong sa pagkakaaresto sa suspek na hindi pinangalanan.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na nag-iinuman ang magka-barangay na suspek at biktima sa isang lamay nang pabirong hagisan ng biktima ng butong pakwan ang suspek.
Ngunit napikon at nagalit ang suspek kaya pinagsasaksak nito sa ulo ang biktima. Kaagad namang isinugod ang biktima sa Alfonso Castaneda Health Center.

