Babala! Sensitibong Balita: LALAKI, TINAGA
Inaresto ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Heryl “Daguit” L. Bruno, Provincial Director, ang isang 48-anyos na lalaki na umano’y nanaga sa Barangay Bibiclat, Aliaga.
Base sa police report, noong gabi ng December 31, 2025, nilapitan ng suspek ang 20-anyos na biktima sa labas ng bahay ng kaibigan nito at humingi ng paputok.. Ngunit nang hindi siya nabigyan ay nagalit umano ang suspek.
LALAKI, TINAGA: Pumasok ito sa kanyang bahay, at kumuha ng itak, paglabas ay hinataw sa leeg ang biktima .
Agad namang rumesponde ang mga pulis mula sa Aliaga Police Station, at dinakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Serious Physical Injury.
Paalala ni PCOL Bruno, “Nawa’y magsilbing paalala ang insidenteng ito sa lahat na pairalin ang pagiging responsable at iwasan ang karahasan sa mga maliliit na hindi pagkakaunawaan.


