LARO NG LAHI, TAMPOK SA IKA-128 TAONG SELEBRASYON NG UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA

Tampok ang iba’t ibang aktibidad na inihanda ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija sa pagdiriwang ng 128th anibersaryo ng Unang Sigaw, na inorganisa ng Provincial Tourism Office, gaya na lamang ng Laro ng Lahi kung saan ilan sa mga inihandang kompetisyon para sa mga kabataang Novo Ecijano ang mga larong Patintero, Kadang kadang, sack race, at ang Palo sebo.

Layunin umano ng laro ng lahi na maibalik at maipakilala sa sa mga kabataan ang mga native na laro upang mapalakas hindi lamang ang kanilang mentalidad lalo na ang kanilang physical na aspeto, at maipakilala sa kanila ang mga laro ng mga kabataang 80’s na hindi na nila inabutan.

Ang Laro ng Lahi ay isinagawa sa 4 na distrito sa buong lalawigan.

Sa unang araw ay ginanap sa Talavera National High School, sumunod sa San Jose City National High School, Nueva Ecija High School sa Cabanatuan, at San Isidro Central School sa ika-apat na Distrito.

Nilahukan ito ng mga mag-aaral ng Senior at junior High School.

Ayon pa Kay Cruz, nais ng DepEd Nueva Ecija na maituro sa mga kabataan lalo na sa Elementarya ang mga laro ng lahi para hindi makalimutan ang kultura ng mga Pilipino at pagmamahal sa ating bayan.

Para naman sa mga kabataan nagpapasalamat sila na naibalik at naipakilala sa kanila ang mga dating laro ng kanilang mga magulang at maging kanilang mga lolo at lola.

Matatandaan na noong Setyembre 2-5, taong 1896 nang mag-aklas at magsagawa ng rebolusyon laban sa pwersa ng mga Kastila ang mahigit kumulang 3,000 Novo Ecijano sa pamumuno ni Heneral Mariano Llanera at pag-agapay nina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte.

Sa mga araw na iyon, ipinakita ng mga bayaning Novo Ecijano ang kanilang tapang at kagitingan para makamtan ang kalayaan mula sa mga mananakop na Espanyol.

Samantala, taong 1965 naman nang iproklama ang petsang Setyembre 2 bilang Special Public Holiday sa buong Nueva Ecija sa ilalim ng Proclamation Order No. 444.