BABALA! SENSITIBONG BALITA:
LASING NA MAY BARIL, INARESTO DAHIL UMANO SA PANGGUGULO SA LUPAO

Arestado ang isang 46-anyos na armadong lalaki sa Lupao noong gabi ng September 24, 2025.

Ayon sa report ng NEPPO-PIO, bandang 10:00 PM, isang concerned citizen ang nagtungo sa Lupao Police Station at nag-ulat na may isang lalaki na may baril na nanggugulo sa kanilang kapitbahayan sa Barangay Balbalungao.

Agad na rumesponde ang mga pulis sa lugar at naabutan ang suspek na nag-iinom ng alak mag-isa habang may isang caliber .45 pistol na nakalagay sa mesa sa harapan niya sa terrace ng kanilang inuupahang bahay.

Dinakip ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) dahil nabigo umano itong magpakita ng mga kinakailangang dokumento para sa caliber .45 Armscor na may pitong (7) bala.