BABALA! SENSITIBONG BALITA:
LASING, NANGHABOL NG SAKSAK SA SAN JOSE CITY NUEVA ECIJA

Nahaharap sa mga kasong Grave Threat at Attempted Homicide ang isang lalaking umano’y lasing na nagwala at nanghabol ng saksak sa Barangay Caanawan, San Jose City, Nueva Ecija.

Base sa report ng pulisya, bandang 7:20 ng gabi noong August 20, 2025 nang manggulo ang 33-year-old na suspek, residente ng Zone 10, Barangay Abar 2nd, San Jose City gamit ang isang kitchen knife.

Tinangka umanong saksakin ng suspek ang isang trentay-anyos na tindera ngunit nakatakbo ito. Kaya pinagbalingan nito ang dalawa pang biktima na edad bente uno at bente nueve na mga residente rin ng Caanawan na Mabuti na lamang ay nakaiwas din sa suspek.

Kaagad na naipaabot at narespondehan ng San Jose Police Station ang insidente kaya nadakip ang suspek at narekober ang ginamit nitong kutsilyo sa panggugulo.