Hinirang si LeBron James ng LA Laker’s bilang kauna-unahang manlalaro na nagkamit ng bagong record at nakapagtala ng 40,000 career regular-season points sa larangan ng NBA.
Natamo niya ito sa pangalawang quarter ng laro ng Los Angeles Lakers laban sa Denver Nuggets noong March 2, 2024, at tuluyang naungusan ang dating nangungunang player na si Kareem Abdul Jabbar na may career points na 38,387.
Kinikilala si LeBron James bilang isa sa oldest player, kasabay ng patuloy nitong pagpapakita ng kahusayan sa larangan ng basketball.
Si LeBron Raymone James Sr. ay ipinanganak noong Disyembre 30, 1984, ay isang Amerikanong propesyonal na manlalaro ng basketball para sa Los Angeles Lakers ng National Basketball Association (NBA).
Tinagurian siyang “King James”, dahil kinikilala siya bilang isa sa mga pinakadakilang manlalaro sa kasaysayan ng isport at madalas na inihahambing kay Michael Jordan.
Nakamit na rin ni Lebron ang 4x NBA Champion, 4x NBA Finals MVP at 4x NBA Most Valuable Player.

