LIBRENG CONCERT SA PAGDIRIWANG NG MALAYANG CABANATUAN, DINAGSA NG LIBU-LIBONG MANONOOD

Dinagsa nang libo-libong Cabanatuen̈os ang libreng pa-concert handog nina Vice-Governor Anthony M. Umali at former Governor Cherry Domingo-Umali, para sa pagdiriwang ng ika- pitumpu’t limang taong Araw ng Cabanatuan sa Freedom Park, Cabanatuan City nitong Lunes, February 3, 2025.

Maaga pa lamang ay halos puno na ang parke na ginanapan ng konsiyerto, kung saan kaliwa at kanan ang mga nakaantabay na grupo ng mga MEDIC.

Ganap na alas-6:00 ng gabi nang umpisahan ang programa, tampok ang UML band, GLOC9 at Parokya ni Edgar.

Ayon sa ilang indibidwal at grupo ng mga kabataan, masaya sila sa libreng pa-concert para sa Malayang Cabanatuan.

Sa panayam kay Vice Gov. Doc Anthony M. Umali, sinabi nito na sa pamamagitan ng concert ay makapagbigay sila ng saya sa bawat Cabanatuen̈o, at naipamalas, na ang imposible ay pwede palang maging posible.

Kasama ng bise gobernador si dating Bokal Nero Mercado na tatakbo bilang Vice Mayor at buong team ng Malayang Cabanatuan.

Nakiisa rin sa nasabing okasyon ang ama ng lalawigan Governor Aurelio “Oyie” M. Umali, Former Governor Cherry D. Umali at 3rd District Board Member aspiran Jay “RBN” Ilagan.