LIBRENG OPERASYON PATI GAMOT, HATID NG SURGICAL CARAVAN SA CARRANGLAN
Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang Surgical Caravan sa Carranglan Medicare Community Hospital kung saan labing-apat na pasyente ang libreng naoperahan.
Ang mga pasyente ay mula sa mga Barangay ng San Agustin, Bunga, General Luna at Minuli, Carranglan na tinanggalan ng civicious at gangliyu cysts.
Ilan lang sa mga benepisyaryo ay sina Rosalie Onyo at Amorsolo Padilla.
Ayon kay tatay Amorsolo, nalaman nya sa pamamagitan ng post sa Facebook ang programa ng kapitolyo kaya agad siyang nagpa-iskedyul para sa libreng operasyon ng kanyang bukol sa binti.
Mtagal na aniya itong iniinda, pero dahil kapos sa buhay, hindi nya ito maipa-opera. Kaya naman, malaki ang ipinagpapasalamat ni tatay Amorsolo.
Dati aniya ay nahihiya siyang mag-short dahil sa kanyang bukol.
Masaya naman si Dr. Alfin H. Marigmen, Hepe ng Carranglan Community Medicare Hospital sa surgical caravan dahil malaking tulong ito sa kanilang mga kababayan na sa mga kapos sa pinansyal.

