BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Sinampahan ng mga kasong Qualified Theft, Theft, Forgery, and Resisting Arrest ang limang magnanakaw na nadakip ng mga awtoridad sa magkahiwalay na insidente sa mga bayan ng Talavera at Bongabon, at Cabanatuan City noong February 4, 2024.

Base sa report na isinumite kay Nueva Ecija Provincial Police Director Richard Caballero, 5:40 ng umaga nang mapasuko ng mga pulis ang tatlong empleyado ng lokal na pamahalaan ng Talavera na nanlaban pa matapos mahuli sa akto sa Atlanta Fuel Gas Station sa Barangay Sampaloc.

Nagsabwatan umano kasi ang mga ito sa pagpalsipika ng purchase order upang makakuha ng 360 liters ng diesel na nagkakahalaga ng higit P20,000.00 para sa kanilang service vehicle.

Habang dinakip naman ng Cabanatuan City and Bongabon Police ang 23-year-old na lalaking residente ng Barangay Vega, Bongabon, at disi otso anyos na lalaki mula sa Montalban, Rizal na diumano’y nagnakaw sa kanilang mga biktima ng apat na kwintas worth Php32,000.00, Php14,000.00 cash, at Adult Nutrition Supplement na halagang higit Php3,600.00.