LOLA NA DIABETIC, PINUTULAN NG PAA; NAGKAROON NG PAG-ASA SA NATANGGAP NA PROSTHETIC LEG
Isang senior citizen na PWD mula sa Brgy. Valenzuela ang muling nakaramdam ng sigla at pag-asa matapos mabigyan ng prosthetic leg sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali.
Si nanay Liwanag Perez, na matagal nang may diabetes, ay naputulan ng kanang paa dulot ng komplikasyon mula sa sugat na hindi gumaling. Kaya’t noong sya’y nabigyan ng prosthetic leg ay nagkaroon sya ng pag-asa na mahuhay muli ng normal.
Gumawa umano sya ng liham para kay Governor Oyie Umali, na pagkalooban ang kanyang kahilingan na magkaroon ng prosthetic leg upang makalakad muli. Hindi naman daw umano sya binigo dahil agad daw syang pinapunta sa PWDs ng Palayan City para sa assessment.
Noong Abril 30, sinukatan siya para sa prosthetic leg, at makalipas ang anim na buwan, tinawagan siya upang ipaalam na pwede nya na itong makuha. Noong Oktubre 30, natanggap ni nanay Ligaya ang prosthetic leg, na nagbalik ng kanyang saya at sigla dahil muli na siyang makakalakad.
Bilang isang senior citizen na wala na umanong kasama sa bahay na umaasa lamang sa suporta ng kanyang mga kapatid at sa senior citizen social aid mula sa munisipyo, malaking bagay para kay nanay Ligaya ang pagkakaroon ng prosthetic leg. “Bagamat mahirap sa una, tuloy lang ang buhay. Kailangan lang ng lakas ng loob at pananalig sa Diyos,” dagdag niya.
Patuloy ang mga ganitong programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pag-asa at ng mas maaliwalas na kinabukasan para sa lahat ng Novo Ecijano.

