Isang lolo na nagngangalang Zayona Chana na nakatira sa Baktawng na maliit na komunidad sa kabundukan ng north eastern Mizoram ang may pambihirang 94 lang naman lahat na mga anak at meron siyang 39 na asawa.

Aabot daw ang dami ng kanyang pamilya sa 199 members. Kasama ang mga apo. Sa dami nila ay pinaniniwalaang ito na ang pinakamalaking pamilya sa mundo. Lahat sila ay nakatira sa iisang bubong lamang sa limang palapag na building na merong 100 na mga kwarto, nagkakasya ang patuloy pa rin lumalaki niyang pamilya.

Umaabot ng 90 kilograms na bigas ang nauubos nila sa loob ng isang araw lamang, 480 na itlog ang nagagamit nila sa simpleng omelet na kanilang ulam, at tulong-tulong sila sa pagluluto. Kapag kakain ang buong pamilya aakalain mong may piyesta at magpapakain ng isang barangay.

Bakit kaya sobrang dami ng kanyang naging asawa? At paano naman kaya natutustusan ni Zayona ang napakalaki nitong pamilya? at umabot sa 39 ang kanyang naging asawa. Bakit, paanong nangyari na nakapag-asawa siya ng marami sa bansang India kung saan itinuturing na iligal ang polygamy o yung pagpapakasal sa higit sa isang asawa?

Ngunit may mga exempted dito at isa na nga ang grupo ni Zayona. Si Zayona kasi ay pinuno ng isang religious group na nagpa-practice ng polygamy. Ang Christian sect na ito ay tinatawag na Lalpa Koran Thar o The Lord’s New Church. Ang religious group na ito ay binubuo ng 2,600 na miyembro at halos lahat ay nakatira sa backtown sa northeastern state ng Mizoram sa India.

Si Zayona ay itinuturing ng kanyang pamilya bilang chosen one. Samantala, kinikilala naman siya bilang propeta ng Diyos. Kaya maraming kababaihan ang nais magpakasal sa kanya. Kaya ayon kay Zayona, hindi niya naman daw talaga pinlano o ginustong magkaroon ng maraming asawa at anak. Ang sinumang lumalapit sa kanya na gustong magpakasal ay hindi niya tinatanggihan. Tinatanggap niya lamang at minamahal.

sa murang edad na 17, unang nagpakasal si Zayona. Sinasabing may pagkakataon pa nga na sampo ang kanyang pinakasalan sa isang taon. Kaya naman pala dumami ng ganon ang pamilya ni Zayona.Pagdating sa mga responsibilidad sa bahay, ang mga asawa ni Zayona kasama ang ibang babaeng anak at apo ay tulong-tulong sa mga gawain bahay.

Nagtutulungan din sila sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga manok at baboy kung saan nila kinukuha ang supply ng kanilang pagkain. Umaasa din sila sa Furniture Business ng pamilya para matustusan ang pangangailangan ng napakalaking angkan. Meron silang apat na pagawaan na ang mga produkto ay ipinibenta sa mga karating na komunidad. Dagdag pa rito, meron din silang aluminum workshop. May sariling paaralan din para sa kanyang mga anak kung saan ang mga nakakatandang anak niya rin ang mga nagtuturo. Bagamat sobrang dami, maayos at masaya ang pamumuhay ng pamilya ni Zayona.

Samantala, si Zayona ay pumanaw na noong June 13, 2021 sa edad na 76. Ang kanyang panganay na si Nun Parliana ang namumuno ngayon, sa kanilang religious group at napakalaking pamilya. Sumunod din kaya siya sa yapak ng kanyang ama? Sa ngayon ay dalawa lamang ang kanyang asawa at wala daw siyang balak na dagdagan pa ito.

Ayon kay Nun Parliana, itinuro daw sa kanila ng kanyang ama ang kahalagahan ng pagmamahal at pangangalaga sa pamilya.