Isang 80-anyos na lolo sa Vietnam ang mahigit 60 taon nang hindi natutulog dahil sa isang severe insomnia.
Ang lalaking ito ay nagngangalang Thai Ngoc mula sa Vietnam na hindi pa raw nakikita ng kaniyang pamilya maging ng kaniyang mga kakilala na natutulog.
Naging aman ng mga balita sa Vietnam ang magsasakang si Thai Ngoc dahil ayon dito, mahigit anim na dekada na siyang walang tulog at hindi naaapektuhan nito ang kanyang kalusugan. Sa panayam ng mga local news agencies sa kanyang misis, mga anak, kaibigan at kapitbahay, wala pa sa kanila ang nakakakita na natutulog ito.
61 years nang hindi natutulog si Thai Ngoc simula nang tamaan siya ng matinding lagnat noong 1973. Posibleng mayroon umano siyang Post-Traumatic Stress Disorder (PTSD) sanhi ng naging karanasan niya noong Vietnam War.
Dahil simula raw noon ay hindi na siya makatulog.
Kahit uminom siya ng sleeping pills, sumubok ng traditional medicine at alak, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.
Sa kabila ng hindi nakakatulog si lolo ay nanatili itong malausog at malakas ang katawan, kung sakali man umanong nakaiidlip nga ito ay sapat na rin ito upang magkaroon ng lakas sa araw-araw niyang pamumuhay.
Dahil nabalita sa buong Vietnam ang tungkol kay Ngoc, ilang espesyalista roon ang nag-alok ng libreng testing at analysis sa kanyang karamdaman.
Pero tumanggi si Ngoc dahil para sa kanya, hindi na niya kailangang magpatingin sa doktor.
Ayon naman sa sleep Medicine Specialist na si Dr. Vikas Wadhwa ng Sleep Services Australia, na nagbigay ng opinyon tungkol dito, sa tingin aniya niya ay nakakatulog si Ngoc pero hindi niya lang ito namamalayan.

