LTO CABANATUAN, NAG-AANYAYA NA IPAREHISTRO ANG NABILING SECOND HAND NA SASAKYAN
Hinihikayat ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) sa Cabanatuan City ang pagpaparehistro o pagta-transfer ng ownership para sa nabiling second hand na motor o 4-wheels, upang maiwasan ang mga nakaambang problema sa hinaharap.
Ayon kay Geronimo M. Tuazon Jr., Public Utilities Regulation Officer l, Operations Division, LTO (Land Transportation Office), sa loob ng dalawampung araw (20 days) ay kinakailangan na mailipat sa pangalan ng nakabili o bagong nagmamay-ari ang second hand na motor o 4-wheels, upang ma-inform ang tanggapan ng LTO at maiwasan ang anumang aberya o krimen.
Halimbawa ang motor na maaaring magamit ng riding-in-tandem, at yun mga 4-wheels na inaabandona na lamang matapos gamitin sa krimen na madalas umano ay sinusunog na lang.
Kaya kailangan aniyang malaman kung sino ang registered owner batay sa Republic Act 11235 o Motor Cyber Crime Prevention Act, kabilang aniya yun mga motor vehicle.
Magtungo lamang sa tanggapan ng LTO at maaring makipag-usap sa kanilang information at public assistance desk upang maipaliwanag kung paano ang proseso ng pag ta-transfer.
Kailangan na ang sasakyan ay naka-rehistro bago natin ito mai-transfer. I-check ang O.R. / C.R. kung within region, or i-confirm kapag outside region lll.
Alamin kung ito ay naka-lease, at kung ito man ay naka lease ay kinakailangang magtungo sa registry of deeds upang makita kung saan ito naka-entry. At, kung wala naman aniyang hawak na dokumento or hindi na natin makontak ang first owner or ika-limang owner dahil open deed of sale halimbawa ay kailangan na magpakita ng at least valid I.D. ng registered owner o previous owner.
Samantala, mayroon namang 14,000 back logs ng mga plaka na hindi pa nakukuha sa LTO Cabanatuan.
Kailangan naitong kuhanin, magtungo lamang sa kanilang tanggapan at dalin lamang ang OR/CR. At, kung hindi naman sa iyo nakapangalan ay magdala lamang ng kopya ng notaryadong deed of sale at saka valid I.D ng dating may-ari para maita-transfer o maililipat na ito kaagad sa iyong pangalan.

