LTO-CENTRAL OFFICE COURIER HUB, OPEN NA TUWING SABADO PARA SA MGA KUKUHA NG PLAKA

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang oras ng operasyon ng Courier Hub sa Central Office upang mas mapaglingkuran ang publiko at mapabilis ang proseso ng pagkuha ng plaka ng mga sasakyan.

Simula sa August 2, Sabado, ay bubuksan na rin ang courier hub ng Land Transportation Office (LTO)—Central Office sa Quezon City.

Sa advisory, sinabi ng LTO na ang courier hub sa central office ay mag-ooperate rin simula 9 a.m. to 4 p.m. tuwing Sabado.

Bukod naman dito, palalawigin din ang operating hours tuwing Lunes hanggang Biyernes at gagawin na itong 9 a.m. hanggang 6 p.m. sa susunod na linggo.

Ang hakbang na ito ay alinsunod umano sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Transportation na pabilisin ang distribusyon ng mga plaka.