LUCKY JHEY RESORT HOTEL: TAHIMIK AT KOMPORTABLENG PAHINGAHAN NGAYONG SUMMER

Hello mga ka-eaters, dama niyo na ba ang init ng panahon? Naghahanap ba ng pwedeng paglubluban at walang pipigil kung anong oras aahon? Magrelaks ka muna mula sa araw-araw na maagang pagbangon para sa inyong trabaho ay makatugon.

Tara na muna dito sa Lucky Jhey Resort Hotel, na matatagpuan sa Brgy. Bagong Sikat, sa lungsod ng Cabanatuan para sa outing na pangmalakasan pero hindi mahal.

Gawin nating simple lang, medyo mabilisan lang kaya naman ako’y pakinggan, lumangoy na parang walang pag-aalinlangan, stress free muna kaya’t tara ng magtampisaw!

Wait lang sino yan, lumalangoy pero hindi nakakalayo sa kinalalagyan, ay huuuuuyyyyy ako pala yan!

Sakto pala ang aming pagbisita, nagdiriwang kasi sila ng kanilang fiesta, kaya naman dumoble ang saya, bigla nanamang pumuso puso ang aking mga mata, hooooyyy tama kana!

Walang brownout, walang limitasyon sa saya!

Ang Lucky Jhey Resort Hotel ay perpekto para sa iyong ultimate summer escape! May apat na swimming pool na sobrang cool!

May dalawang round pool na pang-kabataan na lalim ay Tatlong talampakan at ligtas sa kasayahan!

Sa dalawang adult pool na may limang talampakan ang lalim, Sakto sa pagpapahinga o sa gustong sumisid nang taimtim!

Subukan ang slide na dalawampung talampakan, Tiyak ko ang matinding sigaw!

May 21 units ditong matutuluyan, Kung dalawa lang kayo, Single Room A ang daan,
Sa halagang Php2,000, tulog ay di mahahadlangan!

Kung tatluhan ang trip, Single Room B ang piliin,
Sa Php2,500, luwag ay kayang abutin!

Sa pamilya o tropa, may mas malawak na kwarto, Family Room A o B, sa anim katao ay swabe ito! Halaga’y Php4,200, sulit ang kwento, Sa bawat halakhak, ang saya ay talagang ginto!

Kung barkada’y mas marami, Barkadahan Room ang kunin, Sa Php6,500, dose ang kasya, walang pipigil sa ligaya!

Kung gusto mo pa ng mas engrande, Villa A o B ang pihitin, Sa Php12,000 o 14,000, buong pamilya ay kayang kupkupin!

Check-in time? Mula 10 AM hanggang 10 AM kinabukasan! Sobrang sulit dahil kasama na sa bayad ang unlimited access sa pool, Billiards, basketball court at playground.

SWIMMING NA SWABE, MURA AT HINDI MAHAPDI!
Day Swim (9 AM – 5 PM) – Php80, kayang-kaya!
Kids 3ft below – Php40, sulit talaga!
Night Swim (9 AM – 9 PM) – Php150, walang kaba!

COTTAGE PARA SA LAHAT, SA PRESYO’Y DI KA AGAW-BUHAY!
Yellow Cottage (6-15 pax) – Php600, presyong kayang abutin!
Green Cottage (25 pax) – Php800, pang buong pamilya natin!
White Cottage (35 pax) – Php1,000, sulit sa dami ng tao!
Outdoor Cottage (80 pax) – Php5,000, pampamilya o pangbarkada, swak na swak!

Simula 2019, Lucky Jhey ay lumalago, Sa 2 ektarya, ‘di ka mauubusan ng trip, sigurado! Mas maraming surpresa, mas pinaganda, Kaya’t bumalik, siguradong masaya!

TARA NA! ‘WAG NA MAGDALAWANG-ISIP!
Kung hanap mo’y outdoor getaway na abot-kaya, Lucky Jhey Resort Hotel, subukan na!