LUGAR NA PWEDENG BALIK-BALIKAN NG MGA TAONG STRESS SA TRABAHO, NAKAKATULONG PARA MAPAWI ANG LUNGKOT AT PAGOD?

Stress ka ba sa work?

Kailangan mag isip-isip?

Sagot ko ang problema mo!

Magandang araw ka Novo-Ecijano!

Ako si Precious Dela Cruz ang inyong kapiling sa paghahanap ng relaxing feeling!

Natagpuan ko ito sa Zone 7 barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija, ang tinatawag na “Tanaw”.
Marami ang namangha dahil sa taglay nitong natural na ganda. Ang bahay-kubo, friendly na mga tao, malinis na hangin, magandang tanawin at relaxing feeling ang kanilang binalik-balikan.

Mula rito ay matatanaw mo ang kapatagang bahagi ng San Jose. Ang bahaging ito ng barangay ay ni-renovate upang pormal na gawing tourist attraction pagkatapos ng pandemya. Lubos itong nakatulong sa mga taong kailangan ng maraming oras upang mag-isip isip sa mga bagay na gumugulo sa kanilang isipan at pagplanuhan ang mga hakbang sa kanilang buhay.

Hindi lamang nagbigay ng magandang tanawin ang Tanaw sa marami ngunit maaaring makasalba sa lungkot at pagod na nararamdaman ng isang tao. Makapagbigay ng kapayapaan sa puso’t- isip. At higit sa lahat, bagong pag-asa sa pusong nanghihina sa pamamagitan ng pagtanaw sa Tanaw ng San Juan.